Saturday, August 13, 2011

KAYSARAP SA PILING MO


I.
Isang bagong awit, isang bagong himig
Ng aking puso Sa’Yo iaalay
Isang bagong himig, ng pagpupuri
At pagsamba Sa’Yo oh Yahweh

II.
Ang bawat letra, ang bawat salita
Maghahayag ng Iyong kadakilaan
Ang bawat tinig, at bawat musika
Maghahayag ng psasalamat

Refrain:
Sa’Yo oh Yahweh
Sa’Yong kabutihan

Chorus:
Ang bawat umaga ay may pag-asa
Sa piling Mo oh Yahweh
Sa bawat oras na aking buhay
Ay may kapayapaan
Sa bawat araw ang Iyong pag-ibig
Ay laging sariwa
Ang Iyong katapatan
Ay magpakailanpaman
Hindi nagbabago
Oh Kaysarap sa piling Mo

III.
Saanman timingo, saanman naroon
Ay kasama ka oh Yahweh
Ako’y iniingatan, inaalalayan
At ginagabayan

IV.
Hindi matatakot basta’t Ika’y kasama
Lahat ay kaya
Lahat ay magagawa, wala Sa’Yong mahirap
Lahat ay possible

Refrain 2:
Si Yahweh ay makapangyarihan
Lahat ay Kayang-kaya Niya
(Chorus)
marcross@ETWF,2010

No comments:

Post a Comment