I.
Sa bawat araw na lumilipas
Ikaw ang lagi kong naiisip
Hindi maintindihan ang aking sarili
Ano nga ba itong nadarama?
II.
Sa tuwing ika’y aking nakikita
Ang puso ko’y tumitibok, Anong bilis
Laging kinakaabahan pag nandyan ka
Pag-ibig nga kayang nadarama?
Refrain:
Ngunit lahat ng bagay ay
May tamang panahon
Matutong maghintay at hanapin ang Kalooban Niya
Chorus:
Maghihintay sa Kalooban Mo , PANGINOON
Magtitiwala ng Lubos Sa’Yo ang buhay ko
Hindi ang nais ko, kundi ang Nais Mo
Ang masunod at mangyari sa buhay ko
Ang Pag-ibig kong ito
Nawa’y umayon sa Kalooban Mo
III.
Anumang tindi ng Pag-ibig Mo
Hindi matatago ang katotohanan
Ang Puso ay isang mandaraya
Nawa’y ang Puso oko’y gawing tunay
IV.
Turuan mo ang puso ko, PANGINOON
Na hanapin ang nais Mo
Hindi padalos-dalos at nalilito
Ang nadarama ng puso ko
Bridge:
Isulat ko mang lahat ng nadarama ng puso ko
Awitin ko man lahat ng awit para sa’yo
Tulad ng araw na lumilipas at lumulubog
Lahat ng bagay ay may tamang panahon
marcross@ETWF,2011
No comments:
Post a Comment